Vice Mayor Jofred N. Balagot

Buhi, Camarines Sur, Septiembre 1, 2020

Sa ating ginagalangan na alkalde at ina ng bayan, honorable Margie M. Aguinillo, sa aking mga kasamahan sa Sangguniang Bayan, sa mga department heads at mga kawani ng iba’t ibang opisina ng pamahalaang bayan ng buhi, sa mga kaakibat na ahensya ng pambansang pamahalaan, sa ma kapwa ko lingkod bayan, isa pong magandang umaga sainyong lahat.

Tayo po ay nagtitipon ngayong araw upang buksan ang isang buwan na pag-gunita sa serbisyo sibil na nasa ika isangdaan dalawamput taon na. tayo po ay muling nangangako sa sambayanan ng ating masugid at dedikadong paglilingkod sa bayan. Sa panahon ng makabagong teknolohiya mainam po na ating yakapin ng buong buo ang kahalagahan ng digital technology sa ating mga pagsisilbi sa ating mga kababayan nang sa ganon po magiging madali at mabilis ang ating tugon sa anumang suliranin na ating haharapin. Ang atin pong tema sa taong ito ay napapanahon dahil sa nararanasan nating pandemya dulot ng covid -19. Napakahalaga po sa panahong ito ang digital technology upang maging epektibo at mabilis ang ating pagtugon sa mga isyu at emerhensya na dulot ng pandemya.

Umasa po kayo na ang lokal na pamahalaan ay kaisa ng lipunan sa pagtangkilik ng makabagong paraan ng pamamahala gamit ang “digital technology” para maging angkop, mabilis at malawak ang pagbibigay ng serbisyo sa taong bayan.

Sa aking mga kasamang mga lingkod bayan, kasama ng aking pamilya at ng boung Sangguniang Bayan, ako po ay nagbibigay pugay sa inyong lahat sa ika isangdaan at dalawapung taon ng civil service. Nawa’y lagi po tayong gabayan ng poong maykapal sa ating araw-araw na gawain para sa ikabubuti ng ating mga mamamayan. salamat po sainyong serbisyo sa bayan.

Vice Mayor Jofred N. Balagot